A friendship that can be ended didn’t ever start.
April 11th, 2008 by bnhs-aristotleSa pasukan, magiging ganap na tayong seniors. Ito na ang last year natin para tumambay sa bench. Last year para magkasatan na parang bata. Last year na para mangulit ng mga teacher. Last year na para mag-"SHARING" tuwing exams. Last year na para makasama ang isa’t-isa bilang magkakaklase. March/April next year, gagraduate na tayo at magkakahiwa-hiwalay.
Sana, sa huling taon na magkakasama tayo ay mas lalo pa natin
makilala ang isa’t-isa. Marahil ay maraming mga problema na dadating sa
atin pero alam ko na malalagpasan natin yun basta’t walang bibitiw sa’tin. Sana rin ay makagraduate tayo nang kumpleto. Di bale nang may madagdag, wag lang yung may aalis. Sa kabila ng mga narinig kong pintas sa section natin, hindi ako nagsisi na napabilang ako sa section na ‘to. Sa katunayan, sobrang thankful ako. Dahil sa section na ‘to, hindi lang puro aral. Hindi lang basta magkakakilala. Hindi lang basta classmates. Hindi lang basta kaibigan. Para sakin, ang ‘Aristotle’ ay isang pamilya. Hindi na magbabago yun =)